Martes, Oktubre 19, 2004

lintech

sinubukan kong mag-setup ng isang web server dito sa bahay. nagawa ko na ito dati pero ewan ko kung bakit ayaw tumakbo ngayon. tumatakbo ang apache sa localhost mismo dahil nakaka-browse sa http://localhost/ pero nagta-timeout sa yosibreak.ath.cx na katumbas ng external IP na ini-register ko sa dyndns.org. sigurado akong routing problem lang. tiningnan ko na ang lahat ng configs ko sa shorewall at ang lahat ng port-forwarding options, kumunsulta sa documentations, tumingin sa Net, pero wala pa rin... tantantan na muna.

nag-install ako ng webmin, isang web-based, graphical system administration tool. ayos. ang daling mag-configure ng kung ano-ano. naisip ko, bakit ba ngayon ko lang naisipan isetup ito? nagpapakahirap ako sa command line e meron naman palang point-and-click. ayos din, learn the hard way.

natapos na ang bittorrent download ng comics na Lucifer. ready na akong magbasa ng ilang chapters nang makita kong .cbr ang extension ng mga files. nire-recognize ng linux bilang mga rar archives pero hindi naman ma-extract. sinubukan kong maghanap ng reader sa linux pero wala pa akong nakikita. dyaske. natakam lang ako. naalala ko na noong isang taon, nag-download din ako ng Sandman at ganito ang format pero nabasa ko naman sa linux. hindi ko lang matandaan kung anong application ang ginamit ko para mabasa.

lintek talaga. tapos sasabihan ka pa ni Wanda The Fish ng ganito:

Your best consolation is the hope that the things you failed to get weren't
really worth having.

bespren na talaga kita, wanda.
====

update:

nahuli ko din. nababasa ko na ang Lucifer comics na may extension na .cbr. renamed .rar archives lang pala yan. pag pinalitan ang extension at gawing .rar, kaya na ng archiver. hindi ko lang pala ma-extract kanina kasi hindi naka-install ang rar package sa debian ko, unrar lang. magkaiba pa pala ang rar at unrar packages. see how diverse linux is. hehehe. gads, basa muna ako! wow!

3 komento:

emmanslayer ayon kay ...

magkaiba pa pala ang rar at unrar packages. see how diverse linux is.diverse nga, pero di ba mas practical naman kung pinagsama na lang sila sa isang package? hehe. obvious bang d talaga ako fan ng Linux...

yosibreak ayon kay ...

hi gamhanan. hehe. actually di ko rin alam kung bakit pa may hiwalay na unrar. sobrang diversity na ba? ..but rar alone would be fine, it can extract and compress.

di kita kukumbinsihin kung ayaw mo sa linux. :) pero nasa diversity din ang strength nya. if a part gets compromised, the whole system will not suffer. that's why linux viruses are not potent, (if they are around at all), unlike their windows counterparts.

sa kabilang banda, ang strength at weakness ng windows ay ang pagiging integrated nya. dahil integrated, mas madali para sa user. dahil din integrated, IE problems will mess up your whole system. user-specific and user-caused problems will hurt other user environments.

wala lang. try mo din ang linux, libre naman. :)

emmanslayer ayon kay ...

true. and actually na-try ko na rin mag-Linux (dati sa school and then minsan sa work) pero nakakaubos din kasi ng oras mag-explore. and tanggap ko na rin ang mga "kakulangan" ng windows, so i think i'll stick with it na lang :D