Huwebes, Hunyo 09, 2005

hanggang doon na lang talaga siguro. masaya na sya sa kalagayan niya. may iba na siyang mahal. ang bilis kung iisipin. pero ganyan talaga. ibinigay na niya ang sarili niya sa iba. at ako, wala na.

hindi daw niya alam ang gusto nya pero alam nya ang hindi nya gusto. ayaw niya na sa akin.

hindi na dapat ako pumunta sa kanya kanina para di ko na nakita ang kwarto nya at ang mga bagay na naroon. masakit lang ang nakita ko. pero kinailangan kong pumunta dahil kailangan kong linawin.

at kailangan ko lang talaga siyang makita.

Walang komento: