Huwebes, Hunyo 09, 2005

hindi panahon ang batayan

hindi ko pa matigilang pag-isipan kung ano talaga yun. simpleng bagay lang naman. isang pirasong tela na may tiyak na gamit. nasa kama. nakakabaliw lang ang konteksto. dalawang linggo nang wala ang inaakalang may-ari na di lampas dalawang linggong sumusuyo sa kanya.

wala ako sa kahit anong posisiyon para mag-usisa, sabi na rin niya. at sang-ayon naman ako. buhay niya iyon na malinaw na hindi ko na dapat pakialaman. katawan niyang kanyang kanya lang. pero may malaking tandang pananong sa pagsasara ng pinto ng apartment nya kagabi.

siya ba ang babaeng nakilala ko?

hindi niya sinasadya ang kung anoman ang namalas ko kagabi. ako ang sumadya sa kanya nang walang pahintulot. sadyang ganon ang nangyari.

hindi niya sadyang patakan ng kalamansi ang sugat na ako na rin ang kumakanti. pero may maitim na anino ang mga salitang inosenteng binigkas. sa aking sadsad sa pusali.

hindi ako nanghuhusga. ako ang huling may karapatan sa ganon. minumulto lang ako ng mga tanong kung papaanong nangyari sa ganito kabilis na paraan.

sapagkat hindi yun ang pagkakakilala ko sa kanya. hindi talaga panahon ang batayan ng pagkakakilanlan.

Walang komento: