Sabado, Setyembre 27, 2008

Ang Kasaysayan ng Pilipinas ayon kay Ernesto Laput

Pinas - Munting Kasaysayan ng Pira-pirasong Bayan

Hindi ko matandaan kung nakita ko na itong site nato dati. Luma na sya, halata sa layout na uso noong early 90s late 90s. Ang objective ng sumulat na si Ernesto Laput ay isalaysay ang kasaysayan ng Pilipinas sa Tagalog "upang huwag antukin ang mga bumabasa. Isa pang dahilan, upang maiba naman at marami nang Philippine history na nakasulat sa English. Panghuli, upang maunawaan ng mga walang pambili ng bagong aklat o hindi bihasa sa English o sa Español ang mga mali at kulang-kulang na itinuro sa paaralan. "

Ang ganda ng birada. Heto pa ang sampol:

MAHIGIT 7,100 piraso ang Pilipinas, isang libo lamang ang may tao, kalahati ay ni walang pangalan, marami ang lulubog-lilitaw sa urong-sulong ng dagat, 46 piraso lamang ang malaki pa sa 100 kilometro cuadrado. Sa dadalawa, Luzon at Mindanao, nakatira ang 7 sa bawat 10 Pilipino. Bawat kasaysayan ay kinakailangang magsimula sa umpisa, kaya ang unang paksa sa kasaysayan ng Pilipinas ay kailangang iukol sa pinanggalingan ng kinalalagyan ng bayan.
Marami pang artikulo sa website ang puno ng siste. Magaan ang pagtalakay nya sa kadalasang kinatatamarang subject sa eskwela. Kung ako ay teacher ng history, gagawin kong required reading ito.

Kudos sayo Ernesto Laput.

Speech Accent Archive




Pinakinggan ko ang iba't ibang accent ng mga bansa sa south east asia sa nakita kong speech accent archive. Malinaw naman yung mga samples na binasa ng mga Tagalog. Medyo neutral na yung accent. Sa mga napakinggan ko, ang mga nagbasa e mga nakatira na sa US kaya talagang makukuha na nila yung american twang. May isang galing sa QC, ok naman. Siguro nagtatrabaho sa call center. Hehehe. Wala akong nakitang na-sample na ordinaryong pinoy.

Yung sa Malaysia ang gagaling e. Na-colonize pala sila ng British kaya ganon. Sa indonesia, mabigat yung accent, pati yung sa chinese speakers tulad ng Taiwan at China.

Huwebes, Setyembre 25, 2008

Lumang Mapa ng Pilipinas



via Helmlink

Ginawa noong panahon ng Kastila, 1748. Mapapansin na wala ang Mindanao at Palawan dito. Wala sa iskala yung mga isla, sobrang laki ng Laguna de Bay. Yung Bohol, sobrang liit. Halata na nailagay lang nila dito yung kontrolado nila noong panahon na yun. Maliit siguro yung Bohol dahil sa resistance ni Dagohoy. Hindi nila na-explore at na-exploit.

May color coding din pero di ko malaman kung para saan yun. May pula, green, at dilaw. Dilaw ang buong Luzon, Bohol, Masbate. Di naman siguro sa wika dahil bisaya na ang salita sa bohol.

Ikumpara sa modernong mapa ng Pilipinas:


View Larger Map

Miyerkules, Setyembre 24, 2008

May bago na naman akong blog

Haay naku. May bago na naman akong blog. Yun kasing post ko kahapon tungkol sa mga binibili natin. Gusto kong palawigin pa at ilista naman yung mga binibili ko at tingan kung ano yung epekto nun. Kaso parang masyadong marami yun, at baka maging masyadong seryoso, at hindi na bumagay dito sa matinding site ko na'to. Gusto kong manatiling walang direksyon ang YosiBreak, ayokong masyadong maging politikal dito, gusto ko mga ramblings ko at mga random na bagay lang nandito.

Nandito yung blog: Bili Ko Boto Ko

Martes, Setyembre 23, 2008

Boto

Never again, will I buy products without thinking of the consequences of my act of buying.... "To buy is to vote." From now on, every time I buy a product, whatever it may be, I will ask myself the question ,"what kind of enterprise am I supporting ?"


Sinabi yan ni Ludovic Hubler, isang French na umikot sa buong mundo sa pamamagitan ng hitchhiking.

Napaisip ako dito.

Kailangan ng Pilipino ng Praktis sa Matalinong Pagboto.

Sa kasaysayan ng demokrasya ng Pilipinas, parang wala pa tayong naihahalal na tama. Laging mali ang pinipili natin sa pwesto. Isantabi na muna natin si Gloria, ibang usapan pa yan kung ibinoto ba talaga sya o ibinato nya sarili nya dyan sa Malakanyang. Dito tayo kay Erap. Yan ang malinaw na malinaw. Pagkakamali ng bayan numero uno, ibinoto natin nang hindi natin alam ang ginagawa natin.

Kung olats tayo sa isang bagay, ang tanging solusyon para maging magaling tayo dito e ang magpraktis nang maigi. Kung bano ka sa basketball, maglaro ka nang maglaro at kahit papaano gagaling ka rin magdribol man lang. Ganon din siguro sa pagboto. Kailangan natin ng praktis. Ngayon, ang problema, naglalaro lang tayo pag olympics na, nasa isip natin ang pagboto sa panahon lang ng eleksyon. Kaya hindi pa natin naiuuwi ang medalya ng politika sa pilipinas.

Tulad ng olympian, dapat araw-araw din nating nasa isip ang pagboto. At itong ideya na sa bawat pagbili natin ng isang bagay e bumoboto tayo, ito ang maghahasa sa atin para maging mas matalino sa pagpili natin ng pinuno. May panahon pa tayong lumampas sa antas ng bano bago mag 2010.
====

Sampol

Naaalala ko yung isang tula ni Dong Abay na pasok dito e. Teka hanapin ko muna kung nasa internet.

Nasa internet nga. At huling huli na pala ako, kasi kanta na sya! Napakinggan ko lang kasi sya sa 70s dati, at tinula nya lang ito. At yung nabili ko e yung compilation nya na Sampol na sya lang ang nagburn. Anyway, mas gusto ko yung patula. Heto yun mga linya:

Bombardment
Dong Abay

Shoe Mart o Robinsons’
Bench o Jockey
Marlboro o Winston
Addidas o Nike
SMART o Globe
Coke o Pepsi
Tide o Surf
SMB o Asia Brewery

Shakey’s o Pizza Hut
McDonald’s o Jollibee
Dunkin o Mister Donut
Kenny o KFC
Nissin o Lucky Me
Mentos o Max Candy
555 o Century Tuna
Jack ‘N Jill o Oishi

Red Bull o Lipovitan
Nido o Alaska
Datu Puti o Silver Swan
Purefoods o Magnolia
Nestle o Selecta
Del Monte o UFC
Swift o Argentina
Bok Bok Bok Knorr o Maggi

Joy Ultra o Action
Comfort o Downy
Clusivol o Enervon
Kleenex o Softee
Safeguard o Zest
Green Cross o Family
Whisper o Modess
National o Eveready

Raid o Baygon
Absolute o Wilkins
Colgate o Close-up
Palmolive o Pantene
Pampers o EQ
Eyemo o Visine
8 ‘o clock o Tang
Milo o Ovaltine

Star o Inquirer
Kodak o Fuji
Metrobank o BPI
Samsung o Sony
Yamaha o Kawasaki
Caltex o Shell
Toyota o Mitzubishi
PLDT o Bayantel

ABS-CBN o GMA 7
ABS-CBN o GMA 7

Charo o Mel Tiangco
Bayani o Michael V
Eat Bulaga o Wowowee
Mix o MTV
Martin o Gary V
Christina o Britney
Ate Guy o Ate Vi
Viva o Mother Lily

Gloria o FPJ
Marcos o Cory
Bush o Bin Laden
NPA o AFP
Iglesia o Katoliko
La Salle o Ateneo
Tagalog o Cebuano
English o Filipino

ABS-CBN o GMA 7
ABS-CBN o GMA 7

Original o Pirated

(mula dito)

Tapos ito pa yung video:


===

Sinigang Mix Up

Minsan hindi natin namamalayan ang epekto ng pagbili natin ng mga produkto. E kasi nga hindi naman natin iniisip na bumoboto tayo para sa produktong binibili natin. Ito ang isang halimbawa na sana maraming maka-relate. Kasi kami, paborito namin ang sinigang. Kada linggo, yan lagi ang niluluto ng nanay ko. Mula nang namulat ako sa masarap na ulam, kasama sa listahan ang sinigang. Hanggang ngayong may asawa na ako paborito ko pa rin sya.

Nitong nakaraang Linggo, nagluto si misis ng sinigang sa bayabas. Ang sarap! Lalo na ang sabaw! Lassssshhhaaap! O di ba ikaw na mahilig sa sinigang e naglaway na rin. Sabi ni nanay buti may bayabas sa tindahan ngayon, e kada bili nya instant sinigang mix lang ang meron. Sa kakagamit namin ng sinigang mix, natikman namin ang malaking kaibahan ng tunay na pang-asim sa sinigang. Napunta ang usapan sa mesa sa bakit ba wala nang mabiling kamias? Bakit minsan na lang may bayabas? Bakit minsan na lang din ang sampalok?

E kasi nga natalo na ng sinigang mix. Lahat tayong bumili ng sinigang mix, tinanggihan natin ang mga nagtitinda ng tunay na sampalok, bayabas, at kamias. Bumoto tayo para sa Maggi at Knorr. Sila ang nanalo sa eleksyong ng pang-asim sa sinigang.

==
Kaya ako, kailangan kong tignang ulit ang mga binibili ko. Dahil aaminin ko, bobo ako sa pagboto, bumoto ako kay Erap.

Sabado, Setyembre 13, 2008

Bahay Namin Maliit Lamang Pero Pero Pero



Ito ang bahay namin sa Las Pinas. Kuha yan noong Mayo pa, ginagawa pa lang noon at hindi pa namin nababalikan. Ano na kaya ang hitsura ngayon? Dapat tapos na. Ang sarap isipin na malapit na kaming magkaroon sariling bahay, kapirasong sulok sa Pilipinas na matatawag mong sayo talaga.

Magkatulong kaming mag-asawa sa paghuhulog dyan. Pagkatapos ng halos isang taon, natapos na rin naming bayaran ang downpayment. Sakripisyo din talaga. Bawas ang gastos, walang gimik, walang luho, (o sige, konting gimik, konting luho), at halos dito lahat napupunta ang kinikita. Mabuti na lang talaga at may trabaho rin ang asawa ko. Dahil kung ako lang ang kumikita, malamang hindi mangyayari 'to.

Inaayos pa namin ang paglilipat ng loan sa PAG-IBIG. Sana totoo ang programa ni Kabayang Noli, at nang magkasilbi naman sya at least sa amin. Sa lunes, pupunta kami sa developer para asikasuhin ang mga papeles. Kung walang problemang susulpot, gusto naming makalipat bago ako mag-birthday sa November.

Marami nang plano si Misis para sa bahay. Gusto nya daw lagyan ng gate para mas safe, gusto daw nya minimalist lang ang dating kasi maliit lang, ok daw ba ang temang Zen? Saan ilalagay ang sofa? Ang TV kailangan ding bilhin, anong kulay ng kortina ang bagay sa kulay ng pader? Dito sa gilid, magtatanim tayo ng mga halaman, ganitong bulaklak ang gusto ko para makulay, at yan may space sa harap, dyan natin ipaparada ang kotse natin na wala pa naman.

Nakakatuwang isipin. Ang sarap mangarap. Ang sarap mabuhay nang may hinahangad.
Posted by Picasa

Patak



Aksidenteng nabuo ang ang hugis puso na'to. Nagkaroon ng physical manifestation ang ka-sweet-an ng asawa ko. Hehe.
Posted by Picasa

Biyernes, Setyembre 12, 2008

Survivor Philippines Thailand

Malabo pa sa sabaw ng pusit. Survivor Philippines tapos gagawin sa Thailand. Maiintindihan mo yung French version, ginawa sa Pinas dahil wala silang island doon, pero yung pinoy version ie-export pa sa Thailand? Di ko magets.