Sabado, Enero 28, 2006

Ibang Mangulila ang Pagod Nang Puso

16

Kalungkutan ng aking tadyang at laman,
Ilang magdamag nang sinusundo-sundo kita
Sa pamamagitan ng umiilap na alaala
At pag-asam sa silakbo ng katawan.

Binubuksan ko ang dibdib na parang ilog
Na naghihintay sa pagbabalik ng tubig;
Pagkatapos, tinatanggalan ko ng tinik
Ng pagkainip at sapot ng balisa't takot.

Ibang mangulila ang pagod nang puso:
Agad lumalagok ng orihinal na kamandag
O kaya'y umiimbento ng masalimuot na bitag
Upang paglamayan hanggang sa magupo.

Napipilit lamang ako ng antok sa gabi
Kapag para nang kandilang nawalan ng sindi.

-Rio Alma, Palipad-Hangin

==
Isa na namang petiks na gabi. Sawa na akong tumingin ng mga litrato ng kung sino-sino sa flickr.com. Nakakainggit lang yung mga mahuhusay. Nnaisipan kong balikan ang isang oldschool na paraan ng pagda-download ng mga kanta - sa pamamagitan ng IRC. Alam kong may P2P na at mas madali doon pero nakaka-miss gawin ito.

/join #mp3manila
@find manny pacquiao
!aktivist Manny Pacquiao - Para Sayo Ang Laban Na To.mp3


solb.

==
Nag google search ako ng "Ibang Mangulila ang Pagod Nang Puso" at unang hit ang blog ni Jimple Borlagdan. Kung di nyo sya kilala wag kayong mag-alala.

Kakilala ko sya pero di ko sya kilala. Kayo hindi kayo magkakilala at di nyo rin sya kilala. ayos.

Tingnan ang tulang ito ni Jimple:

Rahan
Maisasalin kaya ang pag-ibig
sa rahan ng paglapat ng labi
sa lahat ng nakalantad mong ibabaw.
Hindi pagdadalawang isip, lalo na
pag-iingat, kundi pagrespeto
sa pagdating sa ibang tahanan.
Pagpupugay sa tarangkahan
ng harding ligaw, ang malaboy
na paguunti-unti ng hakbang
patungo sa pusod ng kabulaklakan.
Pagkiliti sa pagitan hindi pag-urong
ang nagpapabagal sa aking paglapag
sa sumuko mong pag-ilap. Hindi ko nais
na madaliin ang pagsaboy ng apoy
sa buong natuyo mong bansa.
Saglit ang alaala ng maikling
paglagablab. Nais kong punlaan
ng marahang apoy ang bawat dahon
sa iyong katihan.

Potek talaga ang mga makata. Malilibog.

Naisip ko tuloy, requirement kaya ang libog para maging isang matagumpay na makata? Ang alam ko kasi, si Rio Alma, malibog. Si Vim Nadera, malibog. Si Pete Lacaba, malibog. Si Master Joel, malibog. Siguro si Mikael din malibog. Lahat sila magagaling na makata at panay malilibog.

Ako malibog lang ako. Period.

==

Miyerkules, Enero 25, 2006

SuperCoffee


supercoffee.

I always feel loved whenever somebody makes coffee for me. Especially if that somebody is somebody special.

==
At lambing ko yan sa nanay ko noong maliit pa ako. Nagpapatimpla ako ng kape pagkagising. Kahit ngayon pag tiyempong nasa bahay sya at nag-abot kami, ipinagtitimpla nya ako. Yung timpla nya, hindi nagbabago. Iba eh. Tipong kahit hindi ko nakita na sya ang nagtimpla tapos ipinatikim sa akin at mala-taste test na ipinahula kung Brand A o Brand X, Blend Nanay ang isasagot ko.

Eh kasi kahit may gatas din ang timpla ng girlfriend ko noon, at parang magsintamis naman, iba pa rin eh.

==
Oo nga pala, noong past life ko, ipinagpustahan ko pa ang pagtitimpla ng kape. Pustahan kami ng nililigawan ko dati na magkakatuluyan kami. (Kapal no?). Ang pusta, pag nanalo ako, e ipagtitimpla nya ako ng kape sa araw araw na ginawa ni lord. Hindi namin napag-usapan ang kabilang bahagi ng pustahan, yung ano naman pag di kami nagkatuluyan. E kasi nga sigurado ako.

Pero hindi kami nagkatuluyan. hehe.

==
Ewan ko ba, nasa pamilya na yata namin. Yung panganay namin, hindi nakakatulog hangga't di nagkakape. Yung panganay nya, ganon din. Yung isa ko namang kuya, mas weird. Najejebs sya pagkatapos magsepilyo. Walang palya. Hehehe.

Sabado, Enero 21, 2006

First Evening

Her clothes were almost off;
Outside, a curious tree
Beat a branch at the window
To see what it could see.

Perched on my enormous easy chair,
Half nude, she clasped her hands.
Her feet trembled on the floor,
As soft as they could be.

I watched as a ray of pale light,
Trapped in the tree outside,
Danced from her mouth
To her breast, like a fly on a flower.

I kissed her delicate ankles.
She had a soft, brusque laugh
That broke into shining crystals -
A pretty little laugh.

Her feet ducked under her chemise;
"Will you please stop it!…"
But I laughed at her cries -
I knew she really liked it.

Her eye trembled beneath my lips;
They closed at my touch.
Her head went back; she cried:
"Oh, really! That's too much!

"My dear, I'm warning you…"
I stopped her protest with a kiss
And she laughed, low -
A laugh that wanted more than this…

Her clothes were almost off;
Outside, a curious tree
Beat a branch at the window
To see what it could see.

-Arthur Rimbaud

Huwebes, Enero 19, 2006

Kerengkeng


Shop sa Galeria.

Mayroon nang Kikay. Ngayon naman, Kerengkeng. Susunod na siguro ang Pukengkeng.

Miyerkules, Enero 18, 2006

Tugish Takish, Pedicab!



Ito ang dabest na OPM na napakinggan ko sa mahabang panahon. Walang pagsisisi na bumili ako. Groovy, funky, punky. Astig!

Informative ang isang article ni eliia1108 tungkol sa banda.

Mabuhay ang pinoy music!!!

Pero mamatay na sana ang mga tumarantado sa eraserheads songs sa Ultraelectromagneticjam!! Unang una na ang 6 cyclemind. shet.
====


Dito Tayo Sa Dilim


Dito tayo sa dilim
kapit sa patalim
halika sa masikip
doon tayo pumukit
doon sa sahig
kung saan malamig
punyeta ang init dito
nakakapaso!

pap-pap-para-pap-pap-pararara
pap-pap-para-pap-pap-pararara

deretchahan na, maaasahan ka ba?
deretchahan na, maaasahan ka ba?

gusto ko sumisigaw
dito tayo sa ilaw
bumibilis ang aking puso
syet nakakagago
parang nilalanggam
walang kasingsarap
baby bilisan mo
sakit sa ulo!

pap-pap-para-pap-pap-pararara
pap-pap-para-pap-pap-pararara

Dito tayo sa dilim
kapit sa patalim

deretchahan na, maaasahan ka ba?
deretchahan na, maaasahan ka ba?

pap-pap-para-pap-pap-pararara
pap-pap-para-pap-pap-pararara
pap-pap-para-pap-pap-pararara
pap-pap-para-pap-pap-pararara

Martes, Enero 17, 2006

What are your priorities?

1. Meme
2. Papa*
3. Mamam

*malumi ang pagbigkas, synonym: nyam-nyam

Linggo, Enero 15, 2006

Wala sa Kargada

Ok. Nabasa ko itong isang article ni Ken Rockwell tungkol sa camera. Sabi nya, wala sa klase ng camera ang pagkuha ng magandang picture. Tama naman sya.

Kaya lalong wala na akong maipang-justify kung bakit ko gustong bilhin ang Canon 350D! Waaaaa!

Gusto ko lang yatang magmukhang pro kaya gusto ko nun. O kaya, i'm trying to compensate for the crappy photos I take. Hehe. Parang sa kotse din daw yan eh. Paano nga ba yun? Your car is an extension of your "kargada," pag maliit ang kargada mo, ang tendency mo kumuha ng malaking kotse. Ganon nga ba yun? Basta parang ganon. Wala naman akong kotse, at wala akong insecurity sa kargada ko kaya di bale na.

Antok na yata ako at wala nang sense ang mga sinasabi ko....

Paanong napunta ang usapan sa kargada mula sa camera?

Hirap talaga pag matagal nang di naaarawan.

matagal nang di naaarawan
(opismeyt ko yan)



Sabado, Enero 14, 2006

camera dreams



This baby is what I am dreaming of. Nung kailan, literal na napanaginipan ko sya. Nanaginip ako na nasa isang puting kwarto ako tapos napapaligiran ako ng mga DSLR cameras. Nakalutang sa hangin. Hehehe. Adik.

At talagang pinag-iipunan ko sya. Gusto kong iregalo sa sarili ko sa birthday ko.

Pero.

Masyadong mahal. Tinamaan ako ng reality na di sya para sa akin. Sa ngayon. Doon muna ako sa midlevel, ka-series ng gamit ko ngayon. Hehehe. Di na ako kumakain sa opisina at balak kong bumili ng bisikleta para mas makatipid!

Adik!




Huwebes, Enero 05, 2006

Hanggang Tatlong Hari pa ang Pasko

...kaya pwede ko pang ihabol ang entry na ito.

Nakngtokwang pasko yan, inubos ang pera ko.

***
Noong maliit pa ako, di naman ako masyadong nakinabang sa pasko. Medyo lang. Hehehe. Wala kasi akong mga ninong. More accurately, nawawala ang mga ninong at ninang ko. Sabi ni Nanay, may isang ninong at isang ninang ako. Nakalimutan ko na ang mga pangalan nila. Biglaan daw ang pagpapabinyag sa akin, noong nagkaroon ng libreng pangmaramihang pagbibinyag sa Tagbilaran, Bohol. Kung sino na lang ang mahatak, yung ninang ko, katropa yata ng Nanay. Yung ninong ko, siguro tambay lang na nahatak. Hehehe.

Matilde yata ang pangalan ni Ninang, di ko na maalala. Itatanong ko kay nanay. Natepok na yata si Ninang nang hindi man lang ako nabigyan ng kahit isang aginaldo. Sumalangit nawa.

OK lang ninang, wala akong sama ng loob!

***
Kaya wala akong regular na regalo noon. Pero may isang kwento na gusto kong ilagay dito.

Lagi akong sumasama kay Nanay sa trabaho nya dati sa Alabang. May pwesto sya doon ng buy and sell. Malapit na ang pasko noon kaya maraming mga laruan na naka-display sa palengke na nadadaanan namin pauwi. Akong si bilmoko, turo nang turo ng kung ano ano. May isang laruan na talagang gusto ko at talagang mabangis na pangungulit ang ginagawa ko. Laruan yon na RoboCop.

Walang kaming pera kaya hindi ako maibili ni Nanay. Syempre hindi ko alam noon ang mga usapin tungkol sa hirap at yaman. Basta gusto ko yung laruan na yun! Kaya sige! Atake! Kung ano-anong style na yata ang ginawa ko para ibili ako ni Nanay. Pero wa epek kasi nga wala namang pera.

Kaya kinain ko na lang ang takam ko; tinanggap ko na hindi na ako magkakaroon ng RoboCop.

Pero sa umaga ng paskong 'yon, ginising akong maingay ang paligid. Kinukulit ako ng mga kuya na gumising na. Masungit ako kahit noong bata pa kaya ang sungit-sungit ko pagkabangon.

Tapos si nanay, sabi nya sa akin na tingnan yung kahon ng sapatos sa ilalim ng lalagyan ng TV naming black and white. Pagtingin ko sa loob ng kahon ng sapatos....

Nandun yung RoboCop ko!

Ahihi! Cute no? Na-touch talaga ako. Yun ang pinakamasayang pasko ng aking kabataan. Ang kaisa-isahang aginaldo ng Nanay sa bunso nya.

Hindi pa rin ako nagrereklamo, masaya nga e!

***


Ganito ang hitsura ni RoboCop, baka hindi na ninyo sya kilala. Hehe.

***
Ngayon na matanda na ako, syempre may mga naglakas-loob na kuhanin akong ninong. Sabi ko sa kanila hindi nila alam ang ginagawa nila. Pero sabi nga, bawal tumanggi pag kinuha ka. Kaya ayun.

Hindi pa ako nagreregalo sa loob ng anim na taon. Yan kasi, winarningan ko na nga sila na di nila alam ginagawa nila.

Hehehe. Pero nitong Pasko 2005, nagbigay na ako. Humiling ang anak ni bespren Third ng 'anything spiderman,' binigyan ko sya ng spiderman bag. Lintek, halos 400 pesos na pala yun.

Tapos yung dalawang iba pa sa mga brod, hindi naman kinuha ang regalo nila. Nasa akin pa ngayon. Minadali ko pa naman, nagpakahirap akong makipagsiksikan sa mall, pumila sa pagpapabalot! Sana di na ako gumastos. Hehehe.

Ganon pala ang pakiramdam ng nagbibigay ng regalo sa inaanak. :p

***
OK. Ano naman ang para sa akin ngayong pasko?

Nakabili ako ng sapatos sa halagang 250 pesos! Astig! Puma pa ah! Pero syemps, imitation. :p Pero kahit na. Panalo pa rin para sa halagang 250.

Mapapahinga ko na nang konti ang paborito kong chucks. Oo nga pala, napapansin ko na nauuso na naman ang chucks. Tiningnan ko kung magkano na sya ngayon at tumataginting na dalawang libo na sya. Nakngpotek na yan, e napakasimple naman ng disenyo at materyales. Yung mga kumag na punks daw sila kaya chucks ang sapatos nila, hindi nila alam sinasabi nila. Sinusuportahan nila ang sistemang dapat na sinasalungat ng prinsipyong punk sa pagbili ng chucks!

Anyway, pasko at dapat di tayo galit. Heto ang picture ng nabili kong Pekeng Puma oh. Pwede naman di ba?




May remote control car din ako pero saka ko na ilalagay dito. Sobrang haba na nito at kailangan ko nang magtrabaho. Happy New Year!
***